Friday, December 17, 2010

NCRPO director nakakuha ng 2nd star

December 17, 2010 | Friday | 7:51 am

DZRH NEWS

Isang magandang pamasko ang tinanggap ni NCRPO Director Nicanor Bartolome at ito ay nang masungkit niya ang kanyang ikalawang estrelya.

Kahapon, na-promote si Bartolome bilang director na ang ranggo ay katumbas ng major general sa Armed Forces of the Philippines.

Si Bartolome, graduate ng PMA Class 1980, ang kauna-unahan sa kanilang batch na nakakuha ng 2nd star.

Kasama ang kaniyang pamilya, nanumpa ang NCRPO chief kay PNP Chief Raul Bacalzo.

Hindi itinago ni Bacalzo ang kaniyang paghanga kay Bartolome sa pagiging simple at mapagkumbaba nito kaya pinayuhan niya ito na panatilihin ang kanyang humility.

Popular Posts