Thursday, December 16, 2010

Mandatory cctv sa mga establisamiento, isusulong ng NCRPO chief

Ito ang Balita | 12/16/2010 8:04:19 PM

by UNTV News Team

Muling iginiit ni National Capital Region Police Office Chief Nicanor Bartolome ang pagkakaroon ng closed-circuit television system ng mga business establishment.

Ayon kay Bartolome, plano niyang makipag-pulong sa mga local government official ng Metro Manila upang imungkahi na gawing requirement sa pagkuha ng permit ang pagkakaroon ng cctv.

Binigyang diin ng Police official na malaki ang maitutulong nito upang masolusyunan ang talamak na nakawan at iba pang krimeng nangyayari sa araw-araw.

Popular Posts