Wednesday, January 26, 2011

NCRPO, muling magpapakalat ng mga secret marshall sa mga pampasaherong bus

Posted: 2:59 PM 01/26/2011

Muling magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga police marshall sa mga pampasaherong bus kasunod na rin ng pagpapasabog sa Newman Gold Liner bus sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Buendia, Makati kahapon.

Sinabi ni NCRPO Director Nicanor Bartolome na isa itong mabisang paraan para mahadlangan ang anumang planong terorismo at kriminalidad.

Nilinaw naman ni Bartolome na hindi lahat ng 7,000 bus na bumibiyahe sa Metro Manila ay lalagyan ng bus marshall kundi random at selective lamang.

Dahil nasa full alert status aniya ang Philippine National Police (PNP), asahan na ang karagdagang pulis sa mga lansangan at pampublikong lugar.

Nanawagan naman si Bartolome sa publiko na manatiling kalmado dahil ginagawa nila ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng mamamayan ng lungsod.
Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38

Popular Posts