Monday, January 3, 2011

Deputy chief Pasig City Police na sinasabing nagwala habang may bitbit na baby armalite, sinibak

Posted: 12:29 PM 01/03/2011

Sinibak na sa pwesto ang Deputy Chief ng Pasig City Police na si Chief Inspector Oscar Magtibang na nakunan ng Close Circuit Television (CCTV) na nagwawala habang bitbit ang kaniyang baby armalite.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Nicanor Bartolome na bukod sa pagsibak kay Magtibang ay ipinag-utos na rin niya na disarmahan ito.

Sinasabing nagwala ang naturang opisyal dahil sa paninita rito ng mga gwardya ng Ortigas Complex dahil sa maling parking ng sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng NCRPO sa insidente at humingi na ng kopya ng video footage ng insidente. Report from Noel Alamar, Radyo Patrol 38


Source: http://www.dzmm.com.ph/tabid/82/Article/12821/Deputy-chief-Pasig-City-Police-na-sinasabing-nagwala-habang-may-bitbit-na-baby-armalite-sinibak-.aspx

Popular Posts